Ano Ang Glaucoma?
Ang glaucoma ay karamdaman sa mata na maaaring maging sanhi ng pagkabulag. Kung maaagang natuklasan, madalas na kaya itong kontrolin. Ngunit kalimitan wala itong sintomas, kaya kailangan mo ng regular na mga pagsusuri ng mata. Karaniwang nagsisimula ang glaucoma kapag nadaragdagan ang presyon sa mata. Maaaring masira ng presyong ito ang optic nerve. Nagpapadala ng mga mensahe ang optic nerve sa utak upang makakita ka. May 2 pangunahing uri ng glaucoma: open-angle at closed-angle.

Lugar na nilalabasan ng likido
Palaging gumagawa ng likido ang mata. Maaaring magbara o maharangan ng mga lugar na nilalabasan ng likido ang mata. Nananatili sa mata ang labis na likido. Pinatataas nito ang presyon sa mata.
Optic nerve
Maaaring masira ng labis na presyon sa mata ang optic nerve. Kung nasira, hindi makakapagpadala ng mensahe ang nerbyung ito sa utak na nagpapahinlot na makakita ka.
Open-angle glaucoma
Ang open-angle glaucoma ay ang pinakakaraniwang uri ng glaucoma. Unti-unti itong nangyayari habang tumatanda ang tao. Nagiging barado ang labasan ng likido sa mata. Natutuyo ang hindi sapat na likido mula sa mata, kaya unti-unting tumataas ang presyon. Magiging sanhi ito ng unti-unting pagkawala ng side (peripheral) vision. Maaaring hindi mo man mapansin ang mga pagbabago hanggang sa halos mawala ang iyong paningin.
Closed-angle glaucoma
Hindi gaanong karaniwan ang closed-angle glaucoma kaysa sa open-angle. Kadalasan dumadating ito nang mabilis. Ganap na nahaharangan kaagad ang labasan ng likido sa mata. Mabilis na dumadami ang presyon sa mata. Maaaring may mapansin kang paglabo ng paningin at mga sinag ng bahaghari na nakapalibot sa mga ilaw. Maaari ka ring magkaroon ng pananakit ng ulo, pagkahilo, pagsusuka, at matinding pananakit. Kung hindi kaagad magagamot, maaaring mangyari ang mabilis na pagkabulag.
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.