Health Encyclopedia
Search Patient Education Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pagkontrol sa Mataas na Presyon ng Dugo

Madalas tawagin ang mataas na presyon ng dugo (alta presyon) bilang tahimik pero nakamamatay. Ito ay dahil maraming taong mayroon nito ang hindi alam ito. Maaari itong maging sobrang mapanganib. Maaaring pataasin ng mataas na presyon ng dugo ang iyong panganib sa atake sa puso, stroke, sakit sa puso, at pagpalya ng puso. Maaaring mapababa ng pagkontrol sa iyong presyon ng dugo ang iyong panganib sa mga problemang ito. Mahalagang tingnan nang regular ang iyong presyon ng dugo. Maaari nitong mailigtas ang iyong buhay.

May 2 numero ang mga sukat ng presyon ng dugo. Ang systolic na presyon ng dugo ang nasa itaas na numero. Ito ang presyon kapag nagco-contract (tumitibok) ang puso. Ang diastolic na presyon ng dugo ang nasa ibaba na numero. Ito ang presyon kapag nakarelaks ang puso sa pagitan ng pagtibok nito.

Ganito nakapangkat ang presyon ng dugo:

  • Normal na presyon ng dugo. Ito ay systolic na mas mababa sa 120 at diastolic na mas mababa sa 80

  • Mataas na presyon ng dugo. Ito ay systolic na 120 hanggang 129 at diastolic na mas mababa sa 80.

  • Stage 1 na mataas na presyon ng dugo. Ito ay systolic na 130 hanggang 139 o diastolic sa pagitan ng 80 hanggang 89.

  • Stage 2 na mataas na presyon ng dugo. Ito ay systolic na 140 o mas mataas o diastolic na 90 o mas mataas.

Maaaring makatulong ang pamumuhay na malusog sa puso na makontrol mo ang iyong presyon ng dugo nang walang gamot. Nasa ibaba ang ilang bagay na maaari mong gawin para magkaroon ng pamumuhay na malusog sa puso.

Lalaki at babae na magkasamang gumagawa ng salad.

Mga pagkaing malusog para sa puso

  • Pumili ng mga pagkaing kaunti ang asin at taba. Limitahan ang iyong sodium sa 2,300 mg kada araw o ang daming ipinayo ng iyong tagapangalaga ng kalusugan.

  • Limitahan ang de-lata, tuyo, nakapreserba, nakapakete, at mga fast food. Maaaring magtaglay ang mga ito ng maraming asin.

  • Kumain ng 8 hanggang 10 takal ng prutas at gulay araw-araw.

  • Pumili ng karneng walang taba, isda, o manok.

  • Kumain ng pasta na buong butil, brown rice, at beans.

  • Kumain ng 2 hanggang 3 takal ng mga produktong gawa sa gatas na kaunti ang taba o walang taba.

  • Magtanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan tungkol sa DASH na plano ng pagkain. Tumutulong ang planong ito na pababain ang presyon ng dugo.

  • Kapag pumunta ka sa isang restawran, hingin na gawin ang pagkain mo na walang dagdag na asin.

Manatili sa malusog na timbang

  • Itanong sa iyong tagapangalaga ng kalusugan kung gaano karaming calories ang kakainin sa isang araw. Pagkatapos, panatilihin ang bilang na ito.

  • Itanong sa iyong tagapangalaga kung anong range ng timbang ang pinakamalusog para sa iyo. Kung labis ang iyong timbang, ang pagpapababa ng timbang na 3% hanggang 5% lang ng kabuuang timbang ng iyong katawan ay makatutulong na mapababa ang presyon ng dugo. Ang mainam na goal sa pagpapababa ng timbang ay magbawas ng 10% ng timbang ng iyong katawan sa isang taon.

  • Limitahan ang mga meryenda at matatamis.

  • Mag-ehersisyo nang regular.

Maging mas aktibo

  • Humanap ng mga aktibidad na nasisiyahan ka. Maaaring gawin ang mga ito nang mag-isa o kasama ang mga kaibigan o kapamilya. Subukan ang pagbibisikleta, pagsayaw, paglakad, o pagjo-jogging.

  • Gumarahe nang mas malayo mula sa mga pasukan ng gusali para mas malayo ang lakarin.

  • Gumamit ng mga hagdan sa halip na elevator.

  • Kung kaya mo, maglakad o magbisikleta sa halip na magmaneho.

  • Magkalaykay ng mga dahon, maghardin, o gumawa ng mga pagkukumpuni sa bahay.

  • Maging aktibo nang katamtaman hanggang sa masiglang antas ng pisikal na aktibidad sa loob ng hindi bababa sa 30 minuto sa isang araw sa loob ng hindi bababa sa 5 araw sa isang linggo. 

Kontrolin ang stress

  • Maglaan ng oras para magrelaks at i-enjoy ang buhay. Tumawa.

  • Sabihin sa iyong mga mahal sa buhay at sa iyong tagapangalaga ng kalusugan ang iyong mga alalahanin.

  • Bisitahin ang kapamilya at mga kaibigan, at isabay ang mga libangan.

Umiwas o limitahan ang alak at ihinto ang paninigarilyo

  • Ang mga lalaki ay hindi dapat uminom ng higit sa 2 inuming may alkohol sa isang araw.

  • Ang mga babae ay hindi dapat uminom ng higit sa 1 inuming may alkohol sa isang araw.

  • Kung ikaw ay naninigarilyo, planuhin ang paghinto. Makipag-usap sa iyong tagapangalaga ng kalusugan para sa tulong. Lubhang pinatataas ng paninigarilyo ang iyong panganib sa pagkakaroon ng sakit sa puso at stroke. Itanong sa iyong tagapangalaga ang tungkol sa mga programa sa paghinto sa paninigarilyo at iba pang suporta.

Magkaroon ng sapat na magandang kalidad ng tulog

  • Kailangan ng karamihan sa mga adulto ang 7 hanggang 9 na oras ng tulog bawat sa isang araw

  • Magkaroon ng regular na iskedyul ng pagtulog. Matulog at gumising sa parehong oras sa araw-araw.

Mga gamot sa presyon ng dugo

Kung hindi sapat ang iyong mga pagbabago sa pamumuhay, maaaring magreseta ang iyong tagapangalaga ng kalusugan ng gamot para sa mataas na presyon ng dugo. Inumin ang lahat ng gamot ayon sa inireseta. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa iyong mga gamot, magtanong sa iyong tagapangalaga bago huminto o palitan ang mga ito.

Paano nakaaapekto ang mga pang-araw-araw na isyu sa iyong kalusugan

Maraming bagay sa iyong pang-araw-araw na buhay ang nakaaapekto sa iyong kalusugan. Kabilang dito ang transportasyon, mga problema sa pera, pabahay, access sa pagkain, at pag-aalaga ng anak. Kung hindi ka makakakuha ng mga medikal na appointment, maaaring hindi ka makatanggap ng pangangalaga na kailangan mo. Kapag kulang ang pera, maaaring mahirap na mabayaran ang mga gamot. At maaaring maging mahirap na bumili ng masustansyang pagkain ang pagtira na malayo sa isang grocery store.

Kung mayroon kang mga alalahanin sa alinman sa mga ito o iba pang larangan, makipag-usap sa iyong team ng tagapangalaga ng kalusugan. Maaaring may alam silang mga lokal na mapagkukunan upang tulungan ka. O maaaring mayroon silang tauhan na makatutulong sa iyo.

Online Medical Reviewer: Marianne Fraser MSN RN
Online Medical Reviewer: Rajadurai Samnishanth Researcher
Online Medical Reviewer: Stacey Wojcik MBA BSN RN
Date Last Reviewed: 5/1/2024
© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. Lahat ng mga karapatan ay nakalaan. Ang impormasyong ito ay hindi nilalayon bilang kapalit ng propesyonal na medikal na pag-aalaga. Laging sundin ang mga tagubilin ng inyong propesyonal sa pag-aalaga ng kalusugan.