Search Patient Education Search Health Library
A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z A-Z Listings

Pag-unawa sa Gastritis

Balangkas ng babae na ipinakikita ang bibig, lalaugan, at sikmura.

Ang gastritis ay isang masakit na pamamaga sa pinakadingding ng sikmura. Mayroon itong ilang sanhi. Maaaring malunasan ang gastritis at ang mga sintomas nito sa pamamagitan ng paggamot. Makipagtulungan sa tagapangalaga ng iyong kalusugan upang makahanap ng mga paraan upang magamot ang iyong mga sintomas.

Ang sikmura

Upang tunawin ang pagkaing iyong kinakain, gumagawa ang iyong sikmura ng matatapang na asido at enzyme. Mayroong likas na depensa ang malusog na sikmura na nagpoprotekta sa pinakadingding nito mula sa pagkasira dahil sa mga asido at enzyme na ito.

Kapag mayroon kang gastritis

Maaaring sirain ng mga asido ang pinakadingding ng sikmura kapag hindi gumagana ang likas na depensa ng sikmura gaya ng dapat gawin ng mga ito. Maaaring mamaga ang pinakadingding ng sikmura. Kapag nangyari ito, tinatawag itong gastritis.

Mga sanhi ng gastritis

Maraming sanhi ang gastritis. Maaaring kabilang ang mga:

  • Aspirin at nonsteroidal anti-inflammatory drugs (mga NSAID)

  • Paggamit ng tabako

  • Pag-inom ng alak

  • Helicobacter pylori (H. pylori) bacteria

  • Trauma mula sa mga pinasala, paso o maselang operasyon

  • Paggamit ng cocaine

  • Pagkalantad sa radyasyon

  • Malubhang sakit o mga sakit na autoimmune

Mga karaniwang sintomas

Dahil sa gastritis, maaari mong mapansin ang isa o higit pa sa sumusunod:

  • Pakiramdam na nag-iinit sa itaas ng iyong tiyan

  • Pananakit na nangyayari pagkatapos kumain ng ilang partikular na pagkain

  • Gas o pakiramdam na kinakabag sa iyong tiyan

  • Madalas na pagdighay

  • Pagduduwal na mayroon o walang pagsuka

  • Pagkawala ng gana

  • Pakiramdam na busog kaagad

  • Dugo sa suka

  • Mga dumi na mukhang maitim at mala-alkitran

  • Pamumutla

  • Pagkapagod (pagkahapo)

© 2000-2025 The StayWell Company, LLC. All rights reserved. This information is not intended as a substitute for professional medical care. Always follow your healthcare professional's instructions.